Paglalapat
star
star
star
star
star
Last updated about 2 years ago
3 questions
Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. At sa 3-5 pangungusap, ipakita ang mga hakbang na iyong maaaring gawin upang masagot ang katanungan na, "Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang iyong gagawin?"
(5 puntos)
Required
1
Si Jano, isang grade 9 student, ay nag-post sa Facebook ng isang patama na naglalaman ng masasamang salita tungkol sa kanyang kaibigan. Sa post na ito, inilahad ni Jano ang galit at panghihinayang dahil sa paglipat ng kanyang kaibigan sa ibang grupo. Binanggit ni Jano ang mga sikreto at personal na bagay na maaaring makaapekto sa damdamin ng kanyang kaibigan, at nagkaroon ito ng maraming likes at comments mula sa iba pang kaibigan na pabor sa kanyang post. Kung ikaw si Jano, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?

Si Aaron ay palaging nagpo-post ng negatibong komento sa mga online discussions at palaging nagbibigay ng kritisismo nang walang paggalang sa ibang mag-aaral. Hindi rin siya nagbibigay ng tamang pagpapahalaga sa opinyon ng iba. Kung ikaw si Aaron, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginagawa? Bakit?

Si Joseph ay nakakita ng isang post kung saan isang kapwa mag-aaral niya ang binubully online. Sa halip na ireport ang pambubully, nagdesisyon si Joseph na sumali sa pang-aapi upang sumikat. Pinagtulungan nila ang kanilang kapwa mag-aaral, at kung ano-ano pang masasakit na salita ang sinabi ni Joseph sa biktima. Kung ikaw si Joseph, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginagawa? Bakit?