Filipino IV Ikalawang Markahang Pagsusulit

Last updated almost 2 years ago
40 questions
Required
1

Panuto: Basahing mabuti ang alamat at sagutin ang tanong tungkol dito.
Ang Alamat ng Aso Simula pagkabata, si Masong at si Lito ay matalik nang magkaibigan. Lagi silang magkasama sa bawat lakaran. Nanatili ang mabuti nilang samahan hanggang sila’y nagbinatilyo na. Sa hindi inaasahang pangyayari, si Masong ay nagkaroon ng malubhang sakit at humantong iyon sa kamatayan. Hindi natanggap ni Lito ang biglaang pagkawala ng kaibigan. Laging dinadalaw ni Lito ang puntod ng kaibigan at madalas niya itong kausapin na para bang nasa tabi lamang niya ito. Minsan, sumama ang pakiramdam ni Lito kaya pinigilan muna siya ng kanyang ina sa pagdalaw sa libingan ng kaibigan. Sa buong panahon ng pagkakasakit ni Lito ay may maliit na hayop na umuuwi sa kanilang bahay. Nang gumaling, dinalaw nitong muli ang puntod ng kaibigan, laking gulat nito nang makita roon ang maliit na hayop na laging pumupunta sa kanilang bahay. Hindi na humiwalay ang hayop sa kanya mula noon. Dahil sa hayop na iyon nalimutan ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong. Pinangalanan niyang Masong ang hayop. Nang lumaon naging aso na ang tawag dito.
Sino-sino ang matalik na magkaibigan sa kuwento?

Required
1

Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang tanong tungkol dito. PAG-IBIG Ang pag-ibig ay mahiwaga, May pag-ibig sa kapwa; May pag-ibig sa mutya, At may pag-ibig sa Lumikha. Kuwintas ay tanda ng pagmamahalan, Sa mga bayani bandila ang pinaglaban; Sa lumikha ay kabanalan, At sa kapwa ay pagtutulungan. Ito nga ba’y papel na gagampanan, Dito sa mundo na ating tahanan; Pag-ibig na maraming kahulugan, Tutuklasin at ipaglalaban.

Required
1

Panuto: Basahin at unawain ang awit na likha ni Francisco Santiago. Pagkatapos ay piliin ang letrang tamang sagot.
Pilipinas Kong Mahal Ang bayan ko’y tanging ikaw Pilipinas kong mahal Ang puso ko at buhay man Sa iyo’y ibibigay Tungkulin ko’y gagampanan Na lagi kang paglingkuran Ang laya mo’y babantayan Pilipinas kong hirang.

Ano ang tinutukoy sa awit na handang ibigay para sa bayan?

Required
1

Marunong ka bang gumamit ng computer? Ano ang tamang baybay sa Filipino ng nasalungguhitang salita?

Required
1

Ito ay kagamitan sa Agham kung saan makikita ang mga bagay na nasa malayo. Ito rin ang ginagamit upang makita ang isang maliit na bagay sa malaking sukat. Alin sa sumusunod ang tamang baybay ng tinutukoy na kagamitang pang-Agham na ito?

Required
1

Dala-dala ng mag-amang Cris at Caloy ang baong pagkain, lambat at ilawan. Sumakay sa bangka at pumalaot sa dagat. Ano sa palagay mo ang gagawin nila?

Required
1

Sa lahat ng propesyon noong panahon ng pandemya __________ang mga manggagamot at nars. Alin sa mga sumusunod ang angkop na antas ng pang-uring gagamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap?

Required
1

Ito’y isang panahong pinananabikan ng mga batang tulad mo dahil kasabay nito ang isang bakasyong umaabot ng dalawang linggo. Ano ang tinutukoy na panahon sa pangungusap?

Required
1

Bihira tayong makakita ng salipawpaw sa himpapawid dito sa probinsiya. Ano ang kahulugan ng nasalungguhitang salita sa pangungusap?

Required
1

Si Berto ay nakahiga sa kama. Binabantayan siya ng nanay. Marahang hinaplos ng nanay ang noo ni Berto at pinainom ito ng gamot. Ano sa palagay mo ang nangyayari kay Berto?

Required
1

Si Apolinario Mabini ay isa sa mga dakilang bayaning Pilipino. Sa kabila ng pagiging lumpo, patuloy siyang naglingkod sa bansa noong panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Sa ganito, tinagurian siyang “Utak ng Himagsikan” at Dakilang Lumpo”. Ano ang paksa ng talata?

Required
1

Ang mag-anak ay sama-samang ______ sa restoran mamayang gabi. Ano ang angkop na anyo ng pandiwang gagamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap?

Required
1

__________ ang mga ngipin mo kapag hindi ka magsipilyo. Alin sa sumusunod ang wastong anyo ng pandiwang gagamitin sa pangungusap upang mabuo ang diwa nito?

Required
1

Nagkasakit si Ana ng tatlong araw kaya hindi siya nakakuha ng pagsusulit. Ano ang sanhi ng pangyayari sa pangungusap?

Required
1

Marami ang nawalan ng trabaho lalo na nang mag-lockdown dahil sa COVID19 kaya sila humingi ng tulong sa kanilang barangay. Alin ang bunga sa pangungusap?

Required
1

Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isang Tagpo sa Buhay ni Ramon Magsaysay Maghahatinggabi na noon. Tahimik na ang buong paligid. Handa nang matulog ang pamilya ni Sen. Cipriano Primicias. Ngunit hindi pa gaanong nagtatagal nang biglang may kumatok. Halos mag-iika-12 na ng hatinggabi. Narinig ito ng drayber na doon lamang natutulog sa ibaba. Sinilip niya kung sino ang taong kumakatok sa tarangkahan. Sinabi ng tsuper kay Gng. Primicias na tila o parang si Pangulong Ramon Magsaysay ang nakita niyang kumakatok. Hindi nga nagkamali ang drayber. Pinasundo ni Gng. Primicias ang Pangulo sa kanilang drayber sa tarangkahan. Dali-dali namang ginising ni Gng. Primicias si Sen. Primicias. Tumagal nang mahigit dalawang oras ang pag-uusap ng dalawa. Habang sila’y nag-uusap, kumalat ang balita sa buong kapitbahayan ng mga Primicias na naroon sa kanilang lugar ang Pangulo. Nagulat si Pangulong Magsaysay nang sa kaniyang paglabas ay napakaraming tao ang nakaabang sa kanya sa tarangkahan. Saan ang tagpuan ng nabasang kuwento?

Required
1

Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isang Tagpo sa Buhay ni Ramon Magsaysay Maghahatinggabi na noon. Tahimik na ang buong paligid. Handa nang matulog ang pamilya ni Sen. Cipriano Primicias. Ngunit hindi pa gaanong nagtatagal nang biglang may kumatok. Halos mag-iika-12 na ng hatinggabi. Narinig ito ng drayber na doon lamang natutulog sa ibaba. Sinilip niya kung sino ang taong kumakatok sa tarangkahan. Sinabi ng tsuper kay Gng. Primicias na tila o parang si Pangulong Ramon Magsaysay ang nakita niyang kumakatok. Hindi nga nagkamali ang drayber. Pinasundo ni Gng. Primicias ang Pangulo sa kanilang drayber sa tarangkahan. Dali-dali namang ginising ni Gng. Primicias si Sen. Primicias. Tumagal nang mahigit dalawang oras ang pag-uusap ng dalawa. Habang sila’y nag-uusap, kumalat ang balita sa buong kapitbahayan ng mga Primicias na naroon sa kanilang lugar ang Pangulo. Nagulat si Pangulong Magsaysay nang sa kaniyang paglabas ay napakaraming tao ang nakaabang sa kanya sa tarangkahan.
Sino-sino ang pangunahing tauhan sa binasang kuwento?

Required
1

Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isang Tagpo sa Buhay ni Ramon Magsaysay Maghahatinggabi na noon. Tahimik na ang buong paligid. Handa nang matulog ang pamilya ni Sen. Cipriano Primicias. Ngunit hindi pa gaanong nagtatagal nang biglang may kumatok. Halos mag-iika-12 na ng hatinggabi. Narinig ito ng drayber na doon lamang natutulog sa ibaba. Sinilip niya kung sino ang taong kumakatok sa tarangkahan. Sinabi ng tsuper kay Gng. Primicias na tila o parang si Pangulong Ramon Magsaysay ang nakita niyang kumakatok. Hindi nga nagkamali ang drayber. Pinasundo ni Gng. Primicias ang Pangulo sa kanilang drayber sa tarangkahan. Dali-dali namang ginising ni Gng. Primicias si Sen. Primicias. Tumagal nang mahigit dalawang oras ang pag-uusap ng dalawa. Habang sila’y nag-uusap, kumalat ang balita sa buong kapitbahayan ng mga Primicias na naroon sa kanilang lugar ang Pangulo. Nagulat si Pangulong Magsaysay nang sa kaniyang paglabas ay napakaraming tao ang nakaabang sa kanya sa tarangkahan.
Ano ang kasukdulan ng kuwentong binasa?

Required
1

Galing sa mayamang pamilya si Ahira ngunit sa halip na ipagsabi at ipagmalaki niya na siya ay mayaman ay pinili niyang tumahimik at huwag ipagsabi ang kanyang pinagmulan. Paano mo ilalarawan si Ahira?

Required
1

Sinisiguro ni Roldan na maayos ang kanyang mga gamit sa opisina bago umuwi upang maiwasan ang pagiging makalat nito. Paano mo ilalarawan si Roldan?

Required
1

______sa kabilang bundok pa ang kanilang bahay. Alin ang panghalip pamatlig na panlunan ang bubuo sa pangungusap?

Required
1

Bibili ako ng saging. Bibili ako __________. Anong panghalip pamatlig na paari ang dapat gamitin sa pangungusap?

Required
1

Ang ganda ng proyekto mo. __________ ang gusto ng ating guro. Ano ang tamang panghalip pamatlig na patulad ang bubuo sa pangungusap?

Required
1

Ang ganda naman! __________mo na pala ang larawan paborito mong tanawin sa iyong kwaderno. Anong angkop na pandiwa ang bubuo sa pangungusap?

Required
1

Nawawala ang gunting ni Tessie. Kanina pa niya ito ________.

Required
1

Tukuyin ang salita batay sa ugnayang salita-larawan.

Required
1

Sabi ni Kuya, ang ____________ sa mga batas pangkalusugan ay tungkulin ng bawat isa lalo na ngayong panahon ng pandemya. Aling angkop na pandiwa ang dapat ipuno sa pahayag?

Required
1

Ugaliin mong _______________ ng iyong kamay tuwing kakain upang makaiwas ka sa anumang sakit. Aling pandiwang pautos ang angkop na gamitin sa pangungusap?

Required
1

Gumuhit ng isang tatsulok na may katamtamang laki. Sa baba ng tatsulok, gumuhit ng parihabang patayo na hindi malapad. Sa itaas ng tatsulok, gumuhit ng bituing dapat nakadikit sa tuktok ng tatsulok.
Alin sa sumusunod ang iyong magiging sagot?

Required
1

Anak-mahirap si Zeny. Sa kabila ng kahirapan, nagsikap siya sa pag-aaral hanggang sa nakatapos sa kolehiyo. Dahil matalino, madali siyang natanggap sa isang malaking tanggapan. Nang sumunod na taon, itinaas na ang kanyang posisyon at naragdagan nang malaki ang suweldo niya. Patuloy na kinilala ang husay at sipag ni Zeny.
Ano ang maaaring mangyari makalipas ang sampung taon?

Required
1

Kinausap ng guro si Rommel. Huling babala na ang ibinigay na iyon sa kanya. Kung hindi siya makapapasa sa huling markahang pagsusulit, tiyak na uulit siya ng ikaapat na grado sa isang taon. Kaya malayo pa man ang iskedyul ng pagsusulit, gabi- gabi nang nag-aaral si Rommel. Ano ang maaaring nangyari nang matapos ang markahang pagsusulit?

Required
1

Ang Kuneho at Ang Pagong Isang araw ay nagkarera sina Kuneho at Pagong dahil na rin sa hamon ni Pagong. Natulog muna si Kuneho dahil mabagal naman lumakad si Pagong. Nang magising na si Kuneho ay malayo na si Pagong. Hindi na inabutan ni Kuneho si Pagong at ang nanalo ay si Pagong.
Ano ang ginawa nina Kuneho at Pagong isang araw?

Required
1

Ang Kuneho at Ang Pagong Isang araw ay nagkarera sina Kuneho at Pagong dahil na rin sa hamon ni Pagong. Natulog muna si Kuneho dahil mabagal naman lumakad si Pagong. Nang magising na si Kuneho ay malayo na si Pagong. Hindi na inabutan ni Kuneho si Pagong at ang nanalo ay si Pagong. Bakit nanalo si Pagong sa karera sa bandang huli?

Required
1

Si Jocel ay ______________ tumakbo kaya siya ang nanalo sa karera. Anong pang-abay ang angkop ipuno sa patlang?

Required
1

Anong salita ang maaaring ipuno sa patlang upang makabuo ng isang makabuluhang pangungusap na ginagamitan ng pang-abay?
Si Richard ay ___________ mag-araro sa bukid kaya siya nakapagtanim agad.

Required
1

Isang ordinansa ang ipinaiiral ngayon ng pamahalaang lungsod ng Baguio. Ito ang pagpapatupad ng curfew. Malinaw na ipinatutupad ang curfew sa mga kabataang may 17 taong gulang pababa. Magsisimula ito ng ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga. Aarestuhin at paparusahan ang mga kabataang lalabag sa curfew.
Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta sa kaisipan ng teksto?

Required
1

“Si Jenalyn ay ___________umawit ng acapela kaya natutuwa sa kanya ang lahat.” Anong angkop na pang-abay ang bubuo sa pangungusap?

Required
1

Si Mario ay ___________ sa labas ng kanilang bakuran. Ano ang tamang pandiwa na dapat gamitin sa pangungusap batay sa larawang nasa itaas?

Required
1

Si Ben ay __________ na sumagot sa doktor nang siya’y tinanong kung kumusta na ang kanyang pakiramdam. Kaya tuwang tuwa ito sa kanya ang doktor. Ano ang wastong pang-abay na dapat ipuno sa patlang upang makabuo ng pangungusap?

Required
1

Ang mga tao ay __________________ dahil sa natanggap na ayuda. Alin ang tamang pang-uri na dapat gamitin sa pangungusap?